Lunes, Marso 24, 2014

Partido State University
Goa Camarines Sur
College of Education
A/Y 2013-2914

Prepared By : Loida Dominguez                                Submitted to: Dr. Myrna M. Bigueja                             
                     

  Rehiyon III – Gitnang Luzon




Ang Gitnang Luzon
·         ay matatagpuan sa pagitan ng ng Rehiyon I at II sa hilaga at NCR sa timog. Nahahati ang rehiyon sa dalawang dibisyon – ang kanlurang Cordillera at Gitnang Kapatagan.

·         kilala bilang Rice Granary of the Philippines dahil tio ang pangunahing pinagkukunan ng bigas sa buong bansa.


·         Pagsasaka pa rin ang karaniwang hanapbuhay sa Region III.  Maliban sa pagsasaka, pangingisda, paghahayupan, pagmimina, industriyang pantahanan at pagproproseso ng asukal ang hanapbuhay ng mga mamamayan sa rehiyon.

·         Ang pamumuhay sa Gitnang Luzon ay naging mahirap nang sumabog ang Mt. Pinatubo noong Hunyo 1991. Ito ang pangalawang pinakamalaking pagsabog ng bulkan sa buong daigdig noong ika-20 na siglo. Mahigit 1500 na katao ang namatay at 500,000 katao ang nawalan ng tirahan. Nasira ang mga tirahan, palayan, kalsada, tulay. Nasalanta ang lalawigan ng Zambales, Pampanga, at Tarlac
Tarlac
·         tinaguriang melting pot ngPilipinas dahil tahanan ito ng mga Ilocano,Pampangueno,Pangasinense atTagalog.


Nueva Ecija
·         nangunguna sa produksyon ng palay sa buong Pilipinas
San Fernando City sa Pampanga
·         ang sentro ng rehiyon








Mga Lalawigan at Kabisera:

1. Aurora
  Baler
2. Bataan
  Balanga
3. Bulacan
  Malolos
4. Nueva Ecija
 Palayan
5. Pampanga
 San Fernando
6. Tarlac
 Tarlac
7. Zambales
 Iba



Likas na Yaman Mineral ng Rehiyon


·         Ginto
·         Tansao
·         Nikel
·         Platinum
·         Chromite
·         Apog
·         Manganese
·         Bakal
·         Titanium




Mga Produkto ng Rehiyon



·         Mais
·         Gulay
·         Halamang-ugat
·         Table
·         Isda
·         Prutas
·         Tubo
·         Tabako
·         Kawayan
·         sibuyas









Mga Magagandang Lugar na Dinarayo ng mga Turista sa CAR

·         Dambana ng Kagitingan sa Bataan
·         Simbahan ng Barosoain
·         Casa Real Shrine
·         Biak-na-Bato sa Bulacan
·         Arayat National park
·         Clark Freeport Zone sa Pampanga
·         Subic Bay Freeport Zone sa Zambales


Lokasyon at Topograpiya

Ang rehiyon ay napaliligiran ngPangasinan sa hilagang kanluran; DagatTsina sa kanluran, Bundok Sierra Madreat lalawigan ng Aurora sa silangan atlalawigan ng Rizal at Cavite sa timog.

Tatlong pangunahing ilog ang dumadaloysa rehiyon: ang Ilog Agno, Pampanga atAngat. Dahil sa madalas na pag-apaw ngmga ilog na ito ay alluvialang uri ng lupa.

Sa rehiyon dumadaloy patungong Gulpong Lingayen ang Ilog Agno. Palabas naman ng Look ng Maynila ang tubig mula sa Ilog Pampanga at Ilog Angat.
Ang mga lalawigan ng Bulacan,Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija ayisang malawak na kapatagan.



Klima
Tag-ulan mula Mayohanggang Oktubre
tag-araw mula Nobyembre hanggang Abril.
Ang rehiyon ay madalasdaanan ng bagyo.


Panitikan Ng Rehiyon

Ang pasyon
ay isang naratibong tula ng Pilipinas, na nagsasaad ng buhay ni Hesukristo, mula kapanganakan, pagkapako niya sa krus, hanggang sa muling pagkabuhay. Ito ay may saknong ng limang linya sa bawat linya ng pagkakaroon ng walong pantig. Ang anyong na ito ng salaysay ng pasyon ay popular sa Pilipinas, lalo na sa panahon ng Mahal na Araw o Semana Santa.
Ang unang Pilipinong sumulat at kumanta ng pasyon sa Tagalog ay si Padre Gaspar Aquilino de Belen, isang katutubo ng Rosario, Batangas na pinamagatang Ang Mahal na Pasión ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola. Ang kanyang salin ay makikita sa "Manga Panalangin Nagtatagubilin sa Calolowa Nang Taong Naghihingalo". Dahil sa binigyan ng permiso mula sa simbahan ni Padre Antonio del Pueblo si de Belen, napahintulutan na ilimbag niya ang Pasyon sa Maynila noong 1704. Bilang kauna-unahang akda ng ganitong uri ng panitikan, ito ay nakatanggap ng karangalan. Naging mabenta pa ang akdang ito sa maraming taon kaya nailimbag itong muli sa ikalimang pagkakataon noong 1750.
Dahil sa kamangha-manghang pagtanggap sa Pasyon ni Padre de Belen, ito ay naging dahilan upang sumunod ang ibang manunulat sa kanyang mga yapak.

Ang Senakulo
ay isang dula patungkol sa Sakripisyo ng Panginoong Hesukristo: ang kaniyang paglilitis, pagdurusa, at kamatayan. Isa ito sa mga tradisyon ng Semana Santa sa ilang grupong Cristiano, partikular na sa mga Katoliko.



duplo
isang pamamaraan na ipinasok o isinama sa mga selebrasyon upang mabawasan ang kalungkutan sa pagdadasal para sa mga namatay. Ito ay binubuo ng mga puns, biro at palaisipan sa bernakular.
Kinalaunan, ang duplo ay naging isang madulaing debate sa pamamagitan ng berso.
Ang nakasanayang gawi ay ang ibang manlalaro ay magbibintang sa iba ng mga kathang krimen, at ang mga akusado naman ay ipagtatanggol ang kanilang sarili. Ang usapan o dayalogo ay nagiging mas masigla gamit ang mga kotasyon mula sa mga awit at corrido na ginagamit sa debate. Kapag ang isang nakikipagtalo ay nagbigay ng maling sagot sa palaisipan na binigay sa kanya, siya ay kadalasang pinaparusahan sa pamamagitan ng pagpilit sa kanya na magsabi ng isang dalit para sa namatay.


Epiko
ang epiko ng mga kapampangan
           
Rihawani

Sa isang kagubatan maraming bundok sa isang lugar ng Marulu, isang liblib na pook, ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng mga puting usa. Ito ang kuwento ng kanilanga mga ninuno na unang nanirahan doon.

Ang Diyos raw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit daw ito ng anyo bilang isa ring puting usa. Ang mga naninirahan sa liblib na pook na ito na takot na takot na magawi o maglagalag sa kagubatan pinananahanan ni Rihawani, kahit alam nilang dito sila maraming makukuhang mga bagay-bagay na maari nilang magamit o mapagkakitaan. Mga prutas, mga hayop-gubat, mga halamang-gubat, at iba pa.

Sang-ayon sa kanila, may nakasumpong na kay Rihawani. Isa sa mga taong nanirahan din doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy at prutas ay napadako ito sa pook ni Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang diyosa. Kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang angking kagandahan nito, habang nakikipag-usap sa ilang mga usang puti na nasa kanyang paligid. Nang maglakad ang mga ito sa dakong patungo sa kinaroroonan ng tao ay mabilis na humangos ito sa bahay ay hindi magkumahog sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo nang nagging katatakutan ang kagubatang iyon.

Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doong na ang pakay ay mangaso o mamaril ng hayop-gubat. Nagtanong ang mga ito kung sang gubat marami ang mga hayop o ibon na maaring puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit isinalaysay rin ang kasaysayan nito na pinananahan ni Rihawani. Itinagubilin ding huwag pagnasaang puntahan ang pook na iyon. Para sa ikasisiguro ng lakad ay ipinagsama ng mga ito ang isang tagapag-gabay. At lumisan ang mga ito patungo sa gubat na pupuntahan. Pagdating sa paanan ng isang bundok ay napagkasunduan ng mga itong maghiwa-hiwalay at magkita-kita na lamang sa isang lugar sa dakong hapon. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang isa ay nagka-interes na dumako sa gubat na pinananahanan ni Rihawani. Hindi nito pinakinggan ang tagubilin ng nakatatanda sa lugar na iyon. Nang makasapit na ito sa dakong itaas ng bundok ay naglakad-lakad muna at nagsipat-sipat ng mababaril na hayop. Naisip nito ang maputing usa na sinasabi ng matatanda. Nang mapadako ito sa gawing ilang, napansin niya ang isang pangkat ng mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may tao, nabulabog ang mga ito at nagtakbuhan papalayo. Hinabol nito ang isa at tinangkang barilin, ngunit walang natiyempuhan. Hanggang sa may makita ito sa dakong kadawagan ng gubat, agad inasinta at binaril. Tinamaan ang puting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At nang lalapitan na ng mangangaso ang puting usa may biglang sumulpot sa likuran na isang puting-puting usa na malayo sa hitsura ng nabaril. Lalo itong namangha nang ang usa ay mag-iba ng anyo at naging isang napakagandang babae. Sinumbatan nito ang mangangaso.Sa ginawang iyon ng dayuhan, umusal ng sumpa ang diwata at ang lalaki ay maging isang puting usa rin at mapabilang na sa mga alagad ni Rihawani. Nang dakong hapon na, hinanap ito ng mga kasamahan. Tinawag nan tinawag ang pangalan nito ngunit walang sumasagot. Napaghinuha na lamang ng lahat lalo na ng kasamahan gabay na sinuway nito marahil ang tagubilin, tuloy nabilang sa sumpa ni Rihawani. Mula noon, naging aral na sa mga nandoon ang pangyayaring iyon, ang bundok ay pinangilagan na ng mga mangangaso ang dakong iyon ng kagubatan.


Mga Karunungang Bayan

Bugtong
Mataas kung nakaupo
Mababa kung nakatayo

Sagot: aso

Panunudyo
Bata batuta
Isang bao ang muta

Tiririt ng Maya,
Tiririt ng ibon,
Ibig mag – asawa
Walang ipalamon

            Tutubi, tutubi
            Huwag kang magpapahuli
            Sa batang mapanghi

            Gaya gaya, puto maya
            Kaya lagi naming nakatanga.



Tulang pambata
           
            Bata – bata
            Pantay sa lupa
            Ang aswa ay palaka

           
Pung pung kasili
Namganak ng kabibi
Ano ang magiging anak
Buto at balat


Mga awiting Bayan
           

·         May isang bulaklak na ibig lumitaw

·         Bayan ko

·         Oyaye o hele

·         Ang magbubukid
Mga Tanyag Na Manunulat

·         Tomas Pinpin
            Prinsipe ng manlilimbag na Pilipino

·         Francisco Baltazar
            Binansagang sisne ng panginay at hari ng panulaang Pilipino.

·         Marcelo H. Del Pilar
            Patnugot ng La Solidaridad

·         Mariano Ponce
            Gumamit ng mga sagisag natikabalang, kalupulako at maning.

·         Cirio H. Panganiban
            Makata at mandudula, may antolohiya ng mga tula.

Sanggunian





2 komento: