Partido State
University
Goa Camarines Sur
College of Education
A/Y 2013-2914
Goa Camarines Sur
College of Education
A/Y 2013-2914
Prepared By : Loida Dominguez Submitted to:
Dr. Myrna M. Bigueja
Rehiyon III – Gitnang Luzon
Ang Gitnang Luzon
·
ay
matatagpuan sa pagitan ng ng Rehiyon I at II sa hilaga at NCR sa timog.
Nahahati ang rehiyon sa dalawang dibisyon – ang kanlurang Cordillera at Gitnang
Kapatagan.
·
kilala
bilang Rice Granary of the Philippines dahil tio ang pangunahing pinagkukunan
ng bigas sa buong bansa.
·
Pagsasaka
pa rin ang karaniwang hanapbuhay sa Region III.
Maliban sa pagsasaka, pangingisda, paghahayupan, pagmimina, industriyang
pantahanan at pagproproseso ng asukal ang hanapbuhay ng mga mamamayan sa
rehiyon.
·
Ang
pamumuhay sa Gitnang Luzon ay naging mahirap nang sumabog ang Mt. Pinatubo
noong Hunyo 1991. Ito ang pangalawang pinakamalaking pagsabog ng bulkan sa
buong daigdig noong ika-20 na siglo. Mahigit 1500 na katao ang namatay at
500,000 katao ang nawalan ng tirahan. Nasira ang mga tirahan, palayan, kalsada,
tulay. Nasalanta ang lalawigan ng Zambales, Pampanga, at Tarlac
Tarlac
·
tinaguriang
melting pot ngPilipinas dahil tahanan ito ng mga
Ilocano,Pampangueno,Pangasinense atTagalog.
Nueva Ecija
·
nangunguna
sa produksyon ng palay sa buong Pilipinas
San Fernando City sa Pampanga
·
ang
sentro ng rehiyon
Mga Lalawigan at
Kabisera:
1. Aurora
|
Baler
|
2. Bataan
|
Balanga
|
3. Bulacan
|
Malolos
|
4. Nueva Ecija
|
Palayan
|
5. Pampanga
|
San Fernando
|
6. Tarlac
|
Tarlac
|
7. Zambales
|
Iba
|
Likas na Yaman Mineral
ng Rehiyon
·
Ginto
·
Tansao
·
Nikel
·
Platinum
·
Chromite
·
Apog
·
Manganese
·
Bakal
·
Titanium
Mga Produkto ng Rehiyon
·
Mais
·
Gulay
·
Halamang-ugat
·
Table
·
Isda
·
Prutas
·
Tubo
·
Tabako
·
Kawayan
·
sibuyas
Mga Magagandang Lugar na
Dinarayo ng mga Turista sa CAR
·
Dambana
ng Kagitingan sa Bataan
·
Simbahan
ng Barosoain
·
Casa
Real Shrine
·
Biak-na-Bato
sa Bulacan
·
Arayat
National park
·
Clark
Freeport Zone sa Pampanga
·
Subic
Bay Freeport Zone sa Zambales
Lokasyon at Topograpiya
Ang rehiyon ay napaliligiran ngPangasinan sa hilagang
kanluran; DagatTsina sa kanluran, Bundok Sierra Madreat lalawigan ng Aurora sa
silangan atlalawigan ng Rizal at Cavite sa timog.
Tatlong pangunahing ilog ang dumadaloysa rehiyon: ang Ilog
Agno, Pampanga atAngat. Dahil sa madalas na pag-apaw ngmga ilog na ito ay
alluvialang uri ng lupa.
Sa rehiyon dumadaloy patungong Gulpong Lingayen ang Ilog
Agno. Palabas naman ng Look ng Maynila ang tubig mula sa Ilog Pampanga at Ilog
Angat.
Ang mga lalawigan ng Bulacan,Pampanga, Tarlac at Nueva
Ecija ayisang malawak na kapatagan.
Klima
Tag-ulan mula Mayohanggang Oktubre
tag-araw mula Nobyembre hanggang Abril.
Ang rehiyon ay madalasdaanan ng bagyo.
Panitikan Ng Rehiyon
Ang pasyon
ay isang naratibong tula ng Pilipinas, na
nagsasaad ng buhay ni Hesukristo, mula kapanganakan, pagkapako niya sa krus,
hanggang sa muling pagkabuhay. Ito ay may saknong ng limang linya sa bawat
linya ng pagkakaroon ng walong pantig. Ang anyong na ito ng salaysay ng pasyon
ay popular sa Pilipinas, lalo na sa panahon ng Mahal na Araw o Semana Santa.
Ang unang Pilipinong sumulat at kumanta ng
pasyon sa Tagalog ay si Padre Gaspar Aquilino de Belen, isang katutubo ng
Rosario, Batangas na pinamagatang Ang Mahal na PasiĆ³n ni Jesu Christong
Panginoon Natin na Tola. Ang kanyang salin ay makikita sa "Manga
Panalangin Nagtatagubilin sa Calolowa Nang Taong Naghihingalo". Dahil sa
binigyan ng permiso mula sa simbahan ni Padre Antonio del Pueblo si de Belen,
napahintulutan na ilimbag niya ang Pasyon sa Maynila noong 1704. Bilang
kauna-unahang akda ng ganitong uri ng panitikan, ito ay nakatanggap ng
karangalan. Naging mabenta pa ang akdang ito sa maraming taon kaya nailimbag
itong muli sa ikalimang pagkakataon noong 1750.
Dahil sa kamangha-manghang pagtanggap sa
Pasyon ni Padre de Belen, ito ay naging dahilan upang sumunod ang ibang
manunulat sa kanyang mga yapak.
Ang
Senakulo
ay isang dula patungkol sa Sakripisyo ng Panginoong
Hesukristo: ang kaniyang paglilitis, pagdurusa, at kamatayan. Isa ito sa mga
tradisyon ng Semana Santa sa ilang grupong Cristiano, partikular na sa mga
Katoliko.
duplo
isang pamamaraan na ipinasok o isinama sa mga selebrasyon
upang mabawasan ang kalungkutan sa pagdadasal para sa mga namatay. Ito ay
binubuo ng mga puns, biro at palaisipan sa bernakular.
Kinalaunan, ang duplo ay naging isang madulaing debate sa
pamamagitan ng berso.
Ang nakasanayang gawi ay ang ibang manlalaro ay
magbibintang sa iba ng mga kathang krimen, at ang mga akusado naman ay
ipagtatanggol ang kanilang sarili. Ang usapan o dayalogo ay nagiging mas
masigla gamit ang mga kotasyon mula sa mga awit at corrido na ginagamit sa
debate. Kapag ang isang nakikipagtalo ay nagbigay ng maling sagot sa palaisipan
na binigay sa kanya, siya ay kadalasang pinaparusahan sa pamamagitan ng
pagpilit sa kanya na magsabi ng isang dalit para sa namatay.
Epiko
ang epiko ng mga kapampangan
Rihawani
Sa isang
kagubatan maraming bundok sa isang lugar ng Marulu, isang liblib na pook, ang
mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng mga puting
usa. Ito ang kuwento ng kanilanga mga ninuno na unang nanirahan doon.
Ang Diyos raw na
ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit daw ito ng anyo bilang
isa ring puting usa. Ang mga naninirahan sa liblib na pook na ito na takot na
takot na magawi o maglagalag sa kagubatan pinananahanan ni Rihawani, kahit alam
nilang dito sila maraming makukuhang mga bagay-bagay na maari nilang magamit o
mapagkakitaan. Mga prutas, mga hayop-gubat, mga halamang-gubat, at iba pa.
Sang-ayon sa
kanila, may nakasumpong na kay Rihawani. Isa sa mga taong nanirahan din doon.
Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy at prutas ay napadako
ito sa pook ni Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang diyosa. Kahit sa
malayo ay kapansin-pansin ang angking kagandahan nito, habang nakikipag-usap sa
ilang mga usang puti na nasa kanyang paligid. Nang maglakad ang mga ito sa
dakong patungo sa kinaroroonan ng tao ay mabilis na humangos ito sa bahay ay
hindi magkumahog sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo nang
nagging katatakutan ang kagubatang iyon.
Isang araw ay may
mga dayuhan na dumating doong na ang pakay ay mangaso o mamaril ng hayop-gubat.
Nagtanong ang mga ito kung sang gubat marami ang mga hayop o ibon na maaring
puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit isinalaysay rin ang kasaysayan nito na
pinananahan ni Rihawani. Itinagubilin ding huwag pagnasaang puntahan ang pook
na iyon. Para sa ikasisiguro ng lakad ay ipinagsama ng mga ito ang isang
tagapag-gabay. At lumisan ang mga ito patungo sa gubat na pupuntahan. Pagdating
sa paanan ng isang bundok ay napagkasunduan ng mga itong maghiwa-hiwalay at
magkita-kita na lamang sa isang lugar sa dakong hapon. Ngunit lingid sa
kaalaman ng lahat, ang isa ay nagka-interes na dumako sa gubat na pinananahanan
ni Rihawani. Hindi nito pinakinggan ang tagubilin ng nakatatanda sa lugar na
iyon. Nang makasapit na ito sa dakong itaas ng bundok ay naglakad-lakad muna at
nagsipat-sipat ng mababaril na hayop. Naisip nito ang maputing usa na sinasabi
ng matatanda. Nang mapadako ito sa gawing ilang, napansin niya ang isang
pangkat ng mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may tao, nabulabog
ang mga ito at nagtakbuhan papalayo. Hinabol nito ang isa at tinangkang
barilin, ngunit walang natiyempuhan. Hanggang sa may makita ito sa dakong
kadawagan ng gubat, agad inasinta at binaril. Tinamaan ang puting usa sa binti
at hindi na nakatakbo. At nang lalapitan na ng mangangaso ang puting usa may
biglang sumulpot sa likuran na isang puting-puting usa na malayo sa hitsura ng
nabaril. Lalo itong namangha nang ang usa ay mag-iba ng anyo at naging isang
napakagandang babae. Sinumbatan nito ang mangangaso.Sa ginawang iyon ng
dayuhan, umusal ng sumpa ang diwata at ang lalaki ay maging isang puting usa
rin at mapabilang na sa mga alagad ni Rihawani. Nang dakong hapon na, hinanap
ito ng mga kasamahan. Tinawag nan tinawag ang pangalan nito ngunit walang
sumasagot. Napaghinuha na lamang ng lahat lalo na ng kasamahan gabay na sinuway
nito marahil ang tagubilin, tuloy nabilang sa sumpa ni Rihawani. Mula noon,
naging aral na sa mga nandoon ang pangyayaring iyon, ang bundok ay pinangilagan
na ng mga mangangaso ang dakong iyon ng kagubatan.
Mga Karunungang Bayan
Bugtong
Mataas kung nakaupo
Mababa kung nakatayo
Sagot: aso
Panunudyo
Bata batuta
Isang bao ang muta
Tiririt ng Maya,
Tiririt ng ibon,
Ibig mag – asawa
Walang ipalamon
Tutubi, tutubi
Huwag kang magpapahuli
Sa batang mapanghi
Gaya gaya, puto maya
Kaya lagi naming nakatanga.
Tulang
pambata
Bata – bata
Pantay sa lupa
Ang aswa ay palaka
Pung pung kasili
Namganak ng kabibi
Ano ang magiging anak
Buto at balat
Mga awiting Bayan
·
May
isang bulaklak na ibig lumitaw
·
Bayan
ko
·
Oyaye
o hele
·
Ang
magbubukid
Mga Tanyag Na Manunulat
·
Tomas Pinpin
Prinsipe
ng manlilimbag na Pilipino
·
Francisco Baltazar
Binansagang
sisne ng panginay at hari ng panulaang Pilipino.
·
Marcelo H. Del Pilar
Patnugot
ng La Solidaridad
·
Mariano Ponce
Gumamit
ng mga sagisag natikabalang, kalupulako at maning.
·
Cirio H. Panganiban
Makata
at mandudula, may antolohiya ng mga tula.
Sanggunian